Saturday, February 22, 2014

(HEOGRAPIYA)

Ang Byzantine ay sanga ng simbahang Romano sa silangan. Itinatag ni Emperador Constantine ng Rome Ang Constantinople, Kabisera ng simbahan sa silangan. Nang bumagsak ang imperyo ng Rome sa kanluran dahil sa pagsalakay ng mga Barbaro, nanatili ang imperyo ng Byzantine. Sa pagdaraan ng mga siglonagkaroon ng kakaibang katangian ang Byzantine. Naimpluwesyahan ito ng mga Griyego. Silangang Imperyong Romano, Imperyo ng Roma sa Silangan, o Imperyong Bisantino (Bisantium) ay mga pangalang inilalapat sa Imperyo Romano noong Gitnang Panahon na may kabisera sa Constantinopla (na ngayo’y Istanbul).

:Pagbawi ng mga rehiyon sa kanluran

Si Justiniano I, na nakuha ang trono noong 527, ay nag-ambisyon na mabawi ang mga dating territoryo ng Imperyong Romano. Siya ay isang anak ng Illyrian na mahirap lamang, pero siya ay nagkaroon na ng impluyensa sa pamamahala ng tito niya, si Justin I. Lumitaw ang isang kaguluhan sa kanyang pamamahala, ang Nika Revolt, pero hindi naging matagumpay ang mga nag-alsa na mapatalsik siya. Dahil dito, lalo pang lumakas ang kapangyarihan ni Justiniano.

Ang pagsalakay sa Kanluran ay nagsimula noong 533, kung saan pinadala ni Justinian ang kanyang heneral na si Belisarius para makuha ang Hilagang Aprika mula sa mga Bandalo (Vandals) dala ang mga sundalo na aabot sa 15,000 katao. Naging matagumpay ang ekspidisyon, pero tumigil lamang ang resistensiya ng mga tribo noong 548. Noong 535, isang maliit na Bisantinong ekspidisyon na pinadala sa Sicily ay madaling nagtagumpay, pero pinalakas ng ma Goth ang kanilang resistensiya, kaya noong 540 lamang nagtagumpay ang imperyo, kung saan kinuha ni Belisarius ang Ravenna, pagkatapos mabawi ang Naples at Roma.





(PAMAHALAAN)


Sa estado, ang Emperador Bisantino ang nag-iisa at absolutong namumuno. Hindi katulad ng Imperyong Romano, hindi sinasamba ang mga emperaodr bagkus itinuturi silang Tagapaglingkod sa Diyos. Mayroon paring Consul ng Imperyo Romano na sumusubaybay sa mga gawain ng emperador. Bago matapos ang siglo 8, isang administrasyong sibil ang binuo upang tumutok sa malakihang konsolidasyon ng kapangyarihan sa kapitolyo (ang pag-angat ng puwesto ng sakellarios ay kasangkot sa pagbabagong ito). Ang pagbuo ng mga tema ang pinakamahalagang reporma nang panahong ito kung saan ang administrasyong sibil at militar ay hawak ng isang tao, ang strategos.


(HANAPBUHAY)

Ang Silangan ang pinakamayamang bahagi ng imperyong Byzantine. Ang kayamanan ng Rehiyon ay batay sa mahusay na agrikultura, industriya at pangangalakal.

(EKONOMIYA)

Kinontrol ng Constantinople ang daanan sa Black sea at Mediterranean.

Ang mga produkto sa iba-ibang lugar na dumagsa sa pamilihan ng Constantinople ay pinangasiwaan ng pamahalaan upang makalikom ng buwis na ibinabayad sa burukrasya, hukbo at pagpapatayo ng mga gusaling panmpubliko.

(KULTURA) *Relihiyon *Paniniwala

Bilang tanda at pagpapakita sa katanyagan ng Patriarka ng Constantinopla, ipinatayo ni Justianiano ang Simbahan ng Banal ng Karunungan ng Diyos, Hagia Sophia, na natapos sa maikling panahon nang apat at kalahating taon (532-537) 

Rome, Constantinople, Alexandrian, Antioch at Jerusalem ang mga mahahalagang kinatawan ng sinaunang simbahang Kristiyano. Dalawang sanga ng Simbahang ang nahubog at nagkahiwalay sa imperyong romano nang tanggihan ng Byzantine ang koronasyon ni Charlemagne. Tuluyang nahati ang Simbahan noong 1054 nang ang papa at ang patriyarka ng constantinople ay nagkaroon ng hidwaan at pagtiwalag ng kanilang mga sarili sa kinikilalang simbahan. Ang simbahan sa kanluran ay kinilalang simbahang katoliko at ang simbahan sa silangan ay tinawag na Greek Orthodox Church o Eastern Orthodox Church. Ang matibay na paninindigan ng Constantinople sa relihiyon ay nagbigay ng isang uri ng Patriotismo na nagpalakas sa pamahalaan.


 

III- Mga ambag sa kasaysayan (EDUKASYON)






Alpabetong CYRILLIC na ginagamit parin ng mga slav tulad ng mga serb, bulgarian at russian.


(MEDISINA)


Sa huling siglo ng Imperyo, ang mga dalubhasa sa balarilang Bizantino ang nangalaga at naghatid, sa papel at personal, sa pag-aaral ng balarila at panitikang Griyego sa bungad ng Renasimientong Italiano. Noong panahong ito, ang astronomiya at ibang mga agham pangmatematika ay itinuturo sa Trebizond. Halos lahat ng mga eskolar ay intresado rin sa medisina.

(EKONOMIYA)

Pinakamaunlad ang ekonomiyang Bizantine sa Europa at Mediteraneo sa maraming siglo. Hindi napantayan ng Europa ang lakas pang-ekonomika nito hanggang sa dakong huli ng Edad Media. Pangunahing sangangdaan sa kalakalan ang Constantinopla nang maraming panahon na umaabot sa buong Eurasya at Hilagang Africa. Ito rin ang pangunahing katapusan sa kanluran ng tanyag na Daang Seda. Binabanggit ng ilang eskolar na bago pa man dumating ang mga Arabe noong siglo 7, pinakamalakas na ekonomiya na sa buong mundo ang Imperyo. Subalit, ang pananakop ng mga Arabe ay nagdulot ng malaking pagbabago ng kapalaran na nagpahupa at nagpalubog rito. Ang mga reporma ni Constantino. nagpasimula ng pagbabagong sigla sa ekonomiya na nagpatuloy hanggang 1204. Mula siglo 10 hanggang the katapusan ng siglo 12, ipinamalas ng Imperyo Bizantine ang karangyaan niya. Ang lahat ng manlalakbay ay humanga sa mga nalikom na kayamanan nito sa kabisera. Ang lahat nang ito ay nagbago sa pagdating ng ika-apat na Cruzada na nagpabagsak sa kanyang ekonomiya. Sinubukang buhayin ang ekonomiya ng Palaiologoi subalit wala na silang kontrol sa mga puwersang ekonomika sa loob at labas ng bansa. Unti-unti ring nawala ang impluwensiya nito sa mga kaparaanan ng kalakalan at paghahalaga, at kontrol sa pagluluwas ng mga mamahaling metal at ayon sa ilang eskolar pati na rin sa paggawa ng salapi.

(SINING)

Tanyag ang Sining ng Byzantine sa paggamit ng kulay at ornamentasyon. sa pamilihan ng constantinople, ang mga artista at mangangalakal ay nagbebenta ng mga tapestriyang nabuburdahan ng ginto, inukit na ivory at mga alahas na yari sa bronse at pilak.


Makikita sa sining ng Byzantine ang pagbibigay diin nito sa relihiyon. Ang mga kisame at dingding ng simbahan ay nababalutan ng mural. Makulay ang Sahig at arko dahil sa mosaic na ginamit din sa mga Icon.

(AGHAM)

Walang humpay ang Bizancio sa paglilinang ng mga katha ng sinaunang Klasiko. Dahil dito, ang agham Bizantino sa bawat panahon nito ay nakaakibat sa mga sinaunang pilosopiya at metapisika.

Kahit na sa iba’t-ibang panahon malaki ang naging abuloy ng mga Bizantino sa aplikasyon ng mga agham (bantog rito ang pagtatayo ng Hagia Sophia), matapos ang siglo 6 humupa ang mga bagong abuloy ng mga eskolar na Bizantino sa agham sa larangan ng pagbubuo ng bagong hinua o pagpapalawig ng mga ideya ng mga klasikong awtor.


Naudlot ang eskolastika nila noong mga kadilimang taon ng salot (plague) at pananakop ng mga Arabe. Subalit noong katapusan ng unang milenyo na tinatawag na Renasimientong Bizantino, isunulong ng mga eskolar na Bizantino kung saan sila ay naging dalubhasa sa pagpapaunlad ng mga agham Arabe at Persico lalo na sa astronomiya at matematika.

IV- Bakit ito ang napili mong sibilisasyon.

Pinili ko ang Sibilisasyon ng byzantine dahil ito ay madaling pagaralan at Dahil marami itong naiambag. Naiambag ng Roman Empire sa ating civilization siya ring nagawa ng Byzantine Empire, sapagkat sila ang extension ng Roman empire noong panahon na yun. Nahati ang roman empire noon sa dalawa, eastern western. ang Byzantine ay nasa eastern bahagi ng emperyo ng roma na ang pinaka capital nito ay ang Constantinople na hango sa name ng Emperor ng Roma noon na si Constantine. Ang Constantinople siya ngayon ay nasa Turkey.