Bilang tanda at pagpapakita sa katanyagan ng
Patriarka ng Constantinopla, ipinatayo ni Justianiano ang Simbahan ng Banal ng
Karunungan ng Diyos, Hagia Sophia, na natapos sa maikling panahon nang apat at
kalahating taon (532-537)
Rome, Constantinople, Alexandrian, Antioch at Jerusalem ang mga
mahahalagang kinatawan ng sinaunang simbahang Kristiyano. Dalawang sanga ng
Simbahang ang nahubog at nagkahiwalay sa imperyong romano nang tanggihan ng
Byzantine ang koronasyon ni Charlemagne. Tuluyang nahati ang Simbahan noong
1054 nang ang papa at ang patriyarka ng constantinople ay nagkaroon ng hidwaan
at pagtiwalag ng kanilang mga sarili sa kinikilalang simbahan. Ang simbahan sa
kanluran ay kinilalang simbahang katoliko at ang simbahan sa silangan ay
tinawag na Greek Orthodox Church o Eastern Orthodox
Church. Ang matibay na paninindigan ng Constantinople sa relihiyon ay nagbigay
ng isang uri ng Patriotismo na nagpalakas sa
pamahalaan.
No comments:
Post a Comment