Walang humpay ang Bizancio sa paglilinang ng mga
katha ng sinaunang Klasiko. Dahil dito, ang agham Bizantino sa bawat panahon
nito ay nakaakibat sa mga sinaunang pilosopiya at metapisika.
Kahit na sa iba’t-ibang panahon malaki ang naging
abuloy ng mga Bizantino sa aplikasyon ng mga agham (bantog rito ang pagtatayo
ng Hagia Sophia), matapos ang siglo 6 humupa ang mga bagong abuloy ng mga
eskolar na Bizantino sa agham sa larangan ng pagbubuo ng bagong hinua o
pagpapalawig ng mga ideya ng mga klasikong awtor.
Naudlot ang eskolastika nila noong mga kadilimang
taon ng salot (plague) at pananakop ng mga Arabe. Subalit noong katapusan ng
unang milenyo na tinatawag na Renasimientong Bizantino, isunulong ng mga
eskolar na Bizantino kung saan sila ay naging dalubhasa sa pagpapaunlad ng mga
agham Arabe at Persico lalo na sa astronomiya at matematika.
No comments:
Post a Comment