Pinakamaunlad ang ekonomiyang Bizantine sa Europa
at Mediteraneo sa maraming siglo. Hindi napantayan ng Europa ang lakas
pang-ekonomika nito hanggang sa dakong huli ng Edad Media. Pangunahing
sangangdaan sa kalakalan ang Constantinopla nang maraming panahon na umaabot sa
buong Eurasya at Hilagang Africa. Ito rin ang pangunahing katapusan sa kanluran
ng tanyag na Daang Seda. Binabanggit ng ilang eskolar na bago pa man dumating
ang mga Arabe noong siglo 7, pinakamalakas na ekonomiya na sa buong mundo ang
Imperyo. Subalit, ang pananakop ng mga Arabe ay nagdulot ng malaking pagbabago
ng kapalaran na nagpahupa at nagpalubog rito. Ang mga reporma ni Constantino. nagpasimula ng pagbabagong sigla sa ekonomiya na nagpatuloy hanggang
1204. Mula siglo 10 hanggang the katapusan ng siglo 12, ipinamalas ng Imperyo
Bizantine ang karangyaan niya. Ang lahat ng manlalakbay ay humanga sa mga
nalikom na kayamanan nito sa kabisera. Ang lahat nang ito ay nagbago sa
pagdating ng ika-apat na Cruzada na nagpabagsak sa kanyang ekonomiya.
Sinubukang buhayin ang ekonomiya ng Palaiologoi subalit wala na silang kontrol
sa mga puwersang ekonomika sa loob at labas ng bansa. Unti-unti ring nawala ang
impluwensiya nito sa mga kaparaanan ng kalakalan at paghahalaga, at kontrol sa
pagluluwas ng mga mamahaling metal at ayon sa ilang eskolar pati na rin sa
paggawa ng salapi.
No comments:
Post a Comment